MANILA, Philippines – Isang mister ang nasawi makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin sa loob ng isang bahay na palaruan ng ilegal na sugal na video karera sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Jaime Valdez, 43, at residente ng Pilot Drive, Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Ayon kay Balbuena, si Valdez ay natagpuan na lamang walang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo matapos umalingawngaw ang putok ng baril ganap na alas -12 ng madaling-araw.
Nauna rito, naglalaro umano ng video karera ang biktima kasama ang isang Balong Castillo sa loob ng kusina na pag-aari ng isang Rodrigo Mayo.
Ayon kay Mayo, nasa loob siya ng kanyang bahay at nanonood ng telebisyon nang makarinig siya ng putok ng baril sa kanyang kusina. Agad na pinuntahan ni Mayo ang kusina kung saan tumambad sa kanya ang walang buhay na katawan ng biktima habang naliligo ito sa sarili niyang dugo.
Matapos nito ay agad na ipinaalam ni Mayo ang insidente sa barangay opisyal sa lugar na siya namang nagpatawag ng awtoridad na magsasagawa ng imbestigasyon.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng pamamaril sa biktima at tunay na suspect dito.