Purisima, susunod ng PNP Chief?
MANILA, Philippines – Posible umanong mapaaga ang pag-upo sa pwesto bilang Philippine National Police (PNP) chief director si General Alan Purisima matapos na ianunsiyo ni Pangulong Benigno Aquino III na itatalaga niyang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kasalukuyang hepe ng pambansang pulisya na si General Nicanor Bartolome.
Nabatid na mula sa pagiging director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Purisima ay nakatalaga ngayon bilang chief Directorial Staff, pang- apat sa pinakamataas na puwesto sa pamunuan ng PNP.
Napag-alaman na si Purisima ay napipintong susunod na PNP chief at positibo naman ang pagtanggap sa kanya ng buong hanay ng pambansang pulisya.
Si Purisima ay nasa batch ng class 81 ng Philippine Military Academy (PMA) at naging kaklase nito ang bagong talagang director ng NCRPO na si General Leonardo Espina.
- Latest
- Trending