^

Bansa

Senate probe sa condo raid OK kay P-Noy

Nina Rudy Andal at Gemma Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Hindi haharangin ng Malacañang ang isasa­gawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagkakasangkot ni Department of Interior and Local Government (DILG) Udersecretary. Rico Puno sa kontrobersya na ‘pag-raid’ sa condominium unit ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo at tanggapan nito sa Napolcom.

Sinabi ni Deputy Presi­dential Spokesperson Abigail Valte, malaya ang Senado sa gagawin nitong imbestigasyon kay Usec. Puno at walang balak ang Palasyo na harangin ito.

Hiniling ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ng Senado si Puno dahil sa kontro­bersya.

Sinabi ni Usec. Valte, karapatan ni Santiago bilang mambabatas na magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Valte, naniniwala silang ang gagawing imbestigasyon ay “in aid of legislation” para makabuo ng isang mahalagang batas.

Ayaw namang pangunahan ng Malacañang si Puno sa harap ng pana­wagang magbitiw na lamang ito sa puwesto.

Samantala, pinaim­bestigahan na rin ni Agham party list Rep. Angelo Pal­mones ang umano’y P1 bilyon bidding ng mga baril na pinasok ni Usec. Puno.

Ayon kay Palmones, kuwestiyonable umano kung paanong naipasok ng Trust Trade and partner Glock, Asia Pacific Ltd sa bansa ang 28,000 piraso ng glock caliber 9-mm pistol mula sa United States noong Setyembre 4 sa Manila South Harbour.

Paliwanag ni Palmones, hindi pa umano naa-award ang kontrata ay ibinibiyahe na sa Pilipinas ang mga baril kaya’t luma­labas umano na siguradong-sigurado na ang Trust Trade na sila ang mananalo sa bidding.

ANGELO PAL

ASIA PACIFIC LTD

AYON

DEPUTY PRESI

JESSE ROBREDO

PUNO

SENADO

TRUST TRADE

USEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with