MANILA, Philippines - Pumanaw na ang madre na nagtatag ng Church-affiliated organization na Pro-Life Philippines, kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Sister Mary Pilar Verzosa ay nasawi dahil sa herniation syndrome secondary to cerebral bleed sa De La Salle University (DLSU) Medical Center sa Dasmarinas, Cavite sa edad na 67.
Si Verzosa ay dumanas ng aneurysm nitong Huwebes at bigla na lang nag-collapse habang nasa isang seminar. Na-comatose pa umano ito bago tuluyang binawian ng buhay. Si Verzosa ang nagpasimula ng pro-life movement sa bansa noong 1970’s at naging pinakamasigasig na advocate ng krusada para sa buhay at pamilya.