^

Bansa

7 OFWs lalaya na

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pitong OFW ang ma­palad na nabigyan ng pardon o royal clemency at nakatakda nang ma­kalaya sa kulungan sa Saudi Arabia.

Ayon kay John Leo­nard Monterona, regional coordinator ng Migrante Midde East, karaniwang binibigyan ng pardon ni Saudi King Abdullah ay ang mga na-convict na mga petty crime offen­ders kabilang na ang mga migrant workers.

Ang nasabing royal clemency ay ibinibigay ma­tapos ang Ramadan bilang pagpapakita ng diwa ng paggawa ng kabutihan, pagpapatawad at pagka-maawain sa pa­mamagitan ng pag-aalis ng gawad na parusa sa mga sentensyado  o nakagawa ng paglabag sa batas ng Saudi.

Inaasahan ng Mig­rante na mas mataas nga­yong taon ang mabibigyan ng pardon dahil uma­abot na sa 600 hanggang 800 OFWs ang nakakulong sa iba’t ibang piitan na umaasa sa pardon su­ba­lit pito lamang ang na­pag­kalooban ng royal cle­mency. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

ELLEN FERNANDO

INAASAHAN

JOHN LEO

MIGRANTE MIDDE EAST

MONTERONA

PITONG

SAUDI ARABIA

SAUDI KING ABDULLAH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with