Rolbak sa gasolina

MANILA, Philippines - Muling nagtapyas sa presyo ng petrolyo ang ilang kumpanya ng langis makaraang bahagyang bumaba ang contract price ng krudo sa internasyunal na merkado.

Pinangunahan kahapon ng Flying V ang pagbabawas ng P.75 kada litro sa presyo ng premium at unleaded gasoline, P.50 sentimos sa regular gasoline at P.30 sa biodiesel.

Sumunod ang Seaoil na nagpatupad naman ng P.60 kada litro sa premium at unleaded, P.25 sa diesel ngunit itinaas ang presyo ng kerosene ng P.20 kada litro.

Ngayong Lunes ipinatupad ng Petron ang P.60 kada litro sa premium at unleaded, P.25 sa diesel pero itinaas naman sa P.20 kada litro ang kanilang kerosene. Nagbawas na rin ng parehong presyo ang Total at Shell. (Danilo Garcia)

Show comments