^

Bansa

P10-B nalugi sa gov't

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nalugi umano ang gobyerno ng P10 bilyon matapos “mag-abono” sa mga proyektong tulay na pinasok daw ng nakaraang admi­nis­ trasyon.

Sinasabi sa report ng Commission on Audit (COA) na ang ‘Balfour Cleveland’ ang nakakuha ng mga proyektong tulay na pinondohan ng official development assistance (ODA) mula sa United Kingdom sa pagitan ng 2001-2007.

Nagkakahalaga umano ang kontrata ng P2.4 bilyon subalit nagbayad pa umano ng P5.431 bil­yon ang pamahalaan sa kumpanya dahil sa “cost overrun” na umabot sa higit P3 bilyon o mahigit 100 porsiyento ng orihinal na kontrata.

Isa pa umanong pro­yekto na nagbayad ang pamahalaan ng karagdagang 44 porsiyento mula sa P3.431 bilyon na orihinal na kontrata ay ang napunta sa Waagner-BIRO Stahlbau AG ng Austria.

Tinata­yang aabot sa P10 bilyon ang naging “abono” ng gobyerno da­ hil sa mga kwestyuna­bleng proyektong ito na dagdag gastos naman sa sambayanan.

Sabi ng COA, dapat habulin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga palpak na suppliers at contractors ng naturang ‘special bridge project’ at tuluyan na silang i-“blacklist” ng ahensiya.

Sa ginawang pag-aaral sa 102 “foreign as­­sisted projects” luma­labas na isa umano ang natu­rang kumpanya sa may hindi magandang rekord bilang supplier/contractor.

Sinasabing nagpalit ng pangalan ang Balfour Cleveland (dating kilala bilang Balfour Beatty) at ngayon ay nakakuha na naman umano ng pro­ yekto sa DPWH gamit ang pangalang ‘Cleveland Bridge’ sa ilalim ng ‘Presi­dent’s Bridge Program’ at ni Pangulong Aquino.

Sa ilalim ng programa papalitan at maglalagay ng may 91 mga tulay na bakal sa buong bansa partikular sa mga lugar na mahirap maabot ng mga sasakyan.

BALFOUR BEATTY

BALFOUR CLEVELAND

BRIDGE PROGRAM

CLEVELAND BRIDGE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ISA

PANGULONG AQUINO

SHY

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with