Pagpatay sa UNA member kinondena
MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng United Nationalist Alliance (UNA) coalition ang pagpatay sa miyembro nilang si Makati Engr. Nelson Morales, na may planong tumakbo sa mayoralty post sa Malinao, Albay.
Ayon kay UNA secretary-general Cong. Toby Tiangco, labis silang naaalarma at nagagalit sa naturang insidente bagamat kumpiyansa rin umano sila na mapaparusahan ang mga taong may kagagawan ng krimen.
“UNA hopes the authorities will be able to arrest those behind this despicable act,” ani Tiangco.
Si Morales ay nabatid na tinambangan ng tatlong armadong lalaki habang papalabas ng simbahan sa Albay kahapon at namatay din habang ginagamot sa pagamutan.
Siya rin ay pinagkakatiwalaang opisyal nina Vice President Jejomar Binay at ng kaniyang anak na si Mayor Jun Binay, dahil nagsilbi itong city engineer sa Makati noong panahong si VP Binay pa ang alkalde ng lungsod.
Si VP Binay ay miyembro ng executive committee ng UNA habang si Mayor Jun naman ay may intensiyong muling tumakbo sa mayoralty post sa Makati sa 2013 sa ilalim ng naturang partido.
- Latest
- Trending