Paliparan, port of entry nakaalerto sa 9-11
MANILA, Philippines - Kasabay ng nalalapit na anibersaryo ng September 11 terorrist attack sa Amerika, inilagay na sa heightened alert ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng kanilang mga tauhan sa lahat ng paliparan at iba pang port of entry sa bansa.
Kaugnay nito, inatasan ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang lahat ng BI personnel sa mga airports at seaports na maging mahigpit sa pagsuri sa profile ng mga pasaherong dumarating sa bansa.
Ayon kay David, kung ang isang dayuhang pasahero ay inadmissible o undesirable ay agad itong i-book sa susunod na available na byahe pabalik sa bansang kaniyang pinanggalingan.
Ang Pilipinas ay isa sa mga aktibong partisipante sa pandaigdigang laban sa terorismo.
Sinabi naman ni Atty. Ma. Antonette Mangrobang, acting intelligence chief ng BI, daan-daang dayuhan na hinihinalang sangkot sa terorismo ang kabilang na sa kanilang blacklist.
Sa ilalim ng Philippine Immigration Act, ang isang dayuhang itinuturing na posibleng banta sa national security ay hindi maaaring makapasok sa bansa at inilalagay na sa blacklist.
- Latest
- Trending