6 kinasuhan ng smuggling sa DOJ
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng smuggling sa Department of Justice (DOJ) ang anim katao dahil sa pagpasok ng iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan sa bansa.
Pinangunahan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang pagsasampa ng kaso laban sa JV&A Enterprises na pag-aari ni Alejandro Alberto Milanes ng Bangkal, Davao City; at mga opisyal ng Cebu’s Total Golden Motor Care Inc., na sina President Chi Myung Jong, Johanna Lariosa, Lee mee Lee, Felimer Lee at Godofredo Gimongala.
Umaabot sa 23 iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan na tinatayang nasa P18 milyon ang halaga ng nasabing smuggled vehicles.
Ayon kay Commissioner Biazon, ipinasok ang 2 forty footer container van na misdeclared at smuggled vehicles sa Mindanao Container terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Mayo at Hunyo 2011 kung saan naglalaman ng 2 Mercedez Benz, Ford Explorer 4x4, Dodge Durango, 4 na Toyota Vitz, Starex at Soreno.
May kabuuan namang halaga na P13 milyon ang kargamento ni Milanes habang P5 milyon naman sa Total Golden Care Inc.na nadiskubreng ipinasok sa bansa ng walang kaukulang import permit.
Samantala, ibinida rin ni Biazon ang kanilang kauna-unahang court conviction laban kay Danilo Villar, may-ari ng Vill Gay Forwarding at sa Customs broker na si Danilo Opiniano na napatunayan ng Manila Regional Trial Court na guilty sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of The Philippines.
- Latest
- Trending