Kasambahay bill aprub na!
MANILA, Philippines - Magandang balita para sa 2 milyong kasambahay sa bansa!
Matapos ang 16 taon ay naipasa na ang House bill 6144 o ang Kasambahay bill na ipinanukala ni San Juan Rep. JV Ejercito na magbibigay proteksyon sa mga ito.
Walang tumutol sa mga kongresista matapos itong pagbotohan sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa ilalim ng nasabing batas, bibigyan ng minimum na P3,500 na buwanang sahod ang mga kasambahay sa Metro Manila, P3,000 naman sa iba pang lungsod at first class municipalities at P2,500 sa iba pang munisipalidad.
Obligado din ang mga employers na bigyan ng 13th month pay, SSS at PhilHealth ang mga kasambahay at mayroon isang araw na day-off sa isang linggo.
Kailangan din umanong bigyan ng kontrata ang mga kasambahay at dapat na hindi bababa sa 18-anyos.
Ikinagalak naman ni Ejercito ang pagkakapasa ng nasabing panukala kung saan dalawang milyon kasambahay ang makikinabang kapag tuluyan itong magiging batas.
- Latest
- Trending