^

Bansa

Totoong bilang ng namamatay sa yosi hingi

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Hiniling ng isang non-government organization (NGO) na idetalye sa pub­liko ang ulat tungkol sa tunay na bilang ng namamatay sa Pilipinas sanhi ng paninigarilyo da­hil hindi umano kapani-paniwala ang datos na lumabas sa pagdinig ng sin tax bill.

Ayon kay Elvis Campos, ng Mamayan Kilos: Alab ng Maralita na hindi nila kukuwestiyunin ang mga naunang pag-aaral na ang paninigarilyo o sigarilyo ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa puso, baga at kanser.

Bunsod nito kayat hi­nikayat nito ang mga se­nador na hingin sa mga naglabas ng ulat kabilang na ang Department of Health (DOH) na idetalye ito at tukuyin ang datos ng bawat rehiyon sa nakakabahala umanong “smoking-related deaths”.

Nauna nang sinabi ng mga health at anti-smo­king advocates tulad ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) at ng Health Justice Phi­lippines, na 10 Pinoy ang nasasawi kada oras o 240 bawat isang araw at halos 90,000 sa loob ng isang taon sanhi ng mga sakit dulot ng panini­garilyo.

Bukod dito, nalulugi din umano ng P500 bil­yon taun-taon ang gob­yerno dahil sa healthcare costs at productivity losses.

Paliwanag pa ng mga NGOs na ang 10 Pinoy ay nasasawi kada oras dahil sa cancer, stroke, lung at heart diseases gayundin halos ang mga nasasawi sa mga tinatawag na passive smokers.

ALAB

DEPARTMENT OF HEALTH

ELVIS CAMPOS

FRAMEWORK CONVENTION

HEALTH JUSTICE PHI

MAMAYAN KILOS

PINOY

SHY

TOBACCO CONTROL ALLIANCE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with