FOI 'di isusuko

MANILA, Philippines - Hindi pa rin susuko ang pangunahing may-akda ng Freedom of Information (FOI) bill sa kabila ng pagbasura ng liderato ng Kamara sa nasabing panukalang batas.

Ayon kay Deputy Speaker Erin Tañada, hindi niya isusuko ang kanyang “pet bill” at adbokasiya ngayong 15th Congress dahil mayroong 117 kongresista na solidong sumusuporta dito.

Sinisisi rin ng mambabatas si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng Public Information Committee dahil sa pagbinbin nito sa kanyang komite ng nasabing panukalang batas.

Giit ni Tanada, kung nagpapatawag sana ng hearing si Evardone ay maisusulong na sa plenary ang panukala at ma­papag-usapan ang mga isyung sinasabi ni Majority leader Neptali Gonzales tulad ng posibleng pag-abuso ng media sakaling maipasa ang nasabing panukala.

Paliwanag pa ng kongresista, sila ay mga mam­ babatas at hindi mamamahayag subalit ang mga safeguard provisions ay nai-draft na para sa  konsiderasyon ng lahat.

Ang reaksyon ni Tañada ay bunsod sa pahayag ni Gonzales na malabo ng maipasa ngayong 15th Congress ang FOI bill bunsod na rin sa pa­ngambang magagamit ito ng mga nagpapanggap na media upang makapangotong sa mga tiwa­ling politiko at wasakin ang mga kredibilidad ng mga ito.

Show comments