Chinese New Year sa 2013 hindi na kailangang ideklarang holiday - Palasyo

 Manila, Philippines - Hindi na kailangang ideklarang holiday or non-working holiday ang pagdiriwang ng Chinese New year sa 2013 dahil ito ay pumatak sa araw ng Linggo, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Usec. Valte, wala naman talagang pasok sa mga kumpanya sa araw ng Linggo kaya hindi na kailangang ideklarang holiday ang Chinese New Year na tumama sa araw ng Linggo.

“For 2013, the Chinese New Year will fall on a Sunday, hindi na niya kailangan ng proclamation,” wika pa ni Valte sa Radyo ng Bayan. 

Show comments