^

Bansa

2 meat importers sinuspinde ng BoC

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinuspinde ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang accreditation ng dalawang meat importers na lumabag umano sa mga requirement kaugnay sa paglalagay ng pasilidad tulad ng cold storage at warehouse na paglala­gakan ng kanilang mga kalakal tulad ng karne.

Sinuspinde ang accreditation ng Batoy Trading at Sacrecoure Commercial kung saan ang Batoy Trading ay isa sa nasa top 10 na nag-iimport ng fat, offal, balat at iba pang produktong karne sa Pilipinas.

Napag-alaman ng BoC, na ang nabanggit na mga importer ay hindi nakapag-comply sa itinakdang requirement at lumabag umano sa pag­lalagay ng cold storage at warehouse facilities.

Ayon naman kay  Ro­sendo So, director ng Swine Development Council at chairman din ng Abono party-list group, nakatanggap ng report at reklamo ang kanilang grupo na ilang meat importers ay ginagawang front lamang ang kanilang sari-sari store at condominium units na address ng kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Biazon, na 25 pang importers ng iba pang commodities ay sinuspinde nila ang accreditation.

Ipinalagay na ni Bia­zon sa blacklist ng BOC ang mga importer na sangkot sa smuggling.     

Pinuri naman ng ilang grupo ng hog growers ang naging aksiyon ni Biazon laban sa dalawang meat importers na lumabag sa batas at naging positibo ang kanilang pagtanggap sa naging hakbangin ng naturang ahensiya.

ABONO

AYON

BATOY TRADING

BIA

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

SINUSPINDE

SWINE DEVELOPMENT COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with