Mataas na buwis may epekto sa inflation
MANILA, Philippines - Magreresulta umano sa mataas na inflation rate ngayong taon ang 708 porsiyentong excise tax sa mga mumurahing brand ng sigarilyo.
Sa pag-aaral na ginawa ng mga ekonomista mula sa University of Asia and the Pacific (UA&P), posibleng tumaas ng 34 percent ang target ng gobyerno na 3.3% inflation rate ngayong 2012.
Lumabas din umano sa pag-aaral na ang inaprubahang panukala sa Kamara na magpapataw ng napakataas na buwis sa sigarilyo ay magreresulta sa 50.5 porsiyentong paghina ng benta ng mga tobacco manufacturers na makakaapekto rin sa ekonomiya.
Nasa P19 bilyon halaga naman ng household incomes at 90,633 direct at indirect na trabaho na maaapektuhan umano kapag cigarette tax hike.
Posible umanong maapektuhan ang investment rating ng administrasyong Arroyo sa sandaling mas humina ang ekonomiya dahil sa ipapataw na mataas na buwis.
Bukod sa matinding epekto sa inflation, hihilahin din umano pababa ng mataas na buwis sa tobacco ang gross domestic product ng bansa sa susunod na taon.
Iprinisinta ni Cid Terosa, Associate Professor at UAP Vice-Dean ng School of Economics, ang magiging epekto ng babaguhing buwis sa sigarilyo sa hearing ng Senado sa excise tax.
Ang industriya umano ng tobacco ay nakakapag-ambag ng 179,674 karagdagang direct at indirect employment noong 2010.
Kung mawawala ang industriya, ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay tataas umano ng 6.3 porsiyento.
- Latest
- Trending