^

Bansa

Nanapak ng MMDA enforcer, 5 taon pa bago muling makakapagmaneho

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bibilang ng limang taon ang Philip Morris official na si Robert Blair Carabuena bago makapagmaneho ulit kapag nakansela ang driver’s license nito kaugnay ng ginawang pagmumura at pana­napak sa MMDA enforcer na si Sonny Fabros kamakailan.

Sa isang press conference, sinabi ni Atty Teofilo Guadiz, hepe ng LTO-NCR,ang hakbang ay gagawin oras na mapatunayang nagkasala si Carabuena.

“Hindi malayong ma-cancel namin ang driver’s license ni Carabuena kapag napatunayang nagkasala yan at maghihintay siya ng 5 taon para makapagmaneho ulit, mag-aaplay siya ng panibago sa LTO,” sabi ni Guadiz.

Sa hearing kahapon ng LTO-NCR, hindi humarap sa ahensiya si Carabuena at tanging ang abogado nitong si Atty. Ceasar Ortega ang nagtungo dito.

Ayon kay Atty.  Ortega, nalito sila kung aling subpoena ang kanilang sasagutin para makapag-submit ng counter affidavit dahil mayroon ding isa pang subpoena hinggil dito ang LTFRB head office.

Sabi ni Guadiz, sila ang unang nag-subpoena kay Carabuena hinggil sa planong pagkansela ng driver’s license nito, kaya ang LTO muna ang dapat na bigyan nito ng paliwanag kung bakit hindi ito maaaring kanselahin ang lisensiya.

Sinabi pa ni Guadiz na ang LTO ang nagbigay ng driver’s license kay Carabuena kayat LTO din ang dapat na magkansela nito kung mapapatunayang nagkasala ito kaugnay ng naganap na pananakit kay Fabros.

Nilinaw ni Guadiz na kahit na humingi ng tawad si Carabuena sa publiko sa nagawa kay Fabros, tuloy pa rin ang kaso.

ATTY TEOFILO GUADIZ

AYON

BIBILANG

CARABUENA

CEASAR ORTEGA

FABROS

GUADIZ

PHILIP MORRIS

ROBERT BLAIR CARABUENA

SONNY FABROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with