CGMA wala ng neck brace

MANILA, Philippines - Naalis na ang neck brace sa leeg ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Arroyo, nakakakilos na ang dating pangulo ng walang neck brace subalit maaari lamang umano itong tanggalin kapag nasa bahay at hindi umaakyat sa hagdan samantalang kapag magbibiyahe ito at sasakay ng behikulo ay dapat pa rin nakalagay ang kanyang brace.

Paliwanag ni Bautista-Horn, kailangang ali­sin ang neck brace pamin­san minsan upang maigalaw ang leeg at ng hindi magka atrophy ang muscles dito.

Pinabulaanan naman nito na dumalo si Arroyo ng sesyon sa Kamara na walang suot na neck brace tulad ng naglalabasan sa mga pahayagan.

Show comments