P10 pasahe sa jeep hinirit
MANILA, Philippines - Pormal nang nagsampa ng petisyon kaha pon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Pasang Masda at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) para igiit ang P10.00 pasahe sa jeep sa unang apat na kilometro mula sa kasalukuyang P8.00 minimum fare at dagdag pang 35 sentimo sa suceeding kilometer.
Binigyang diin nina Acto president Efren de Luna at Pasang Masda president Obet Martin, layunin ng fare increase na maibsan ang epekto sa kanila ng kasalukuyang P43.00 na halaga ng diesel kada litro.
Hinikayat din nina de Luna at Martin si LTFRB Chairman Jaime Jacob na ipatupad muna ang 50 centavos provisional increase sa pasahe sa jeep o gawin munang P8.50 ang minimum fare hanggat dinidinig ang kanilang petisyong gawing P10 ang minimum na pasahe.
Una rito, niliwanag naman ng Piston na hindi naman sila kasali sa nagpepetisyon na maitaas ang pasahe sa jeep dahilan ang maliliit na manggagawa lamang ang apektado nito at ang mga mag-aaral.
- Latest
- Trending