MANILA, Philippines - Isa na namang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang namataan ng Pagasa at inaasahang magdadala ng mga pag-uulan sa Mindanao partikular sa mga lalawigan ng Agusan, Surigao, Davao, Compostela Valley at Zamboanga.
Pinag-iibayo ng sama ng panahon ang bagyong Igme na magbubunsod ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin sa Ilocos, La Union, Abra, Benguet, Pangasinan, Zambales at Bataan kayat kailangang mag-ingat sa posibleng flashfloods at landslides doon.
Bagamat Mindanao ang epekto ng ulan na dala ng LPA, sinabi ng Pagasa na maaari pa rin itong magdala ng mga pag-uulan sa ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng habagat.