^

Bansa

Bagong DILG chief inaabangan na

Nina Rudy Andal at Gemma Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inaabangan na kung sino ang itatalaga ni Pa­ngulong Aquino na magiging kapalit ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malamang na bago dumalo sa APEC Summit ang Pangulo sa Russia sa Seyembre 7 ay magtatalaga na ito ng bagong kalihim ng DILG.

Ayon kay Sec. Lacierda, alam naman ni Pangulong Aquino ang pangangailangan na humirang siya ng kapalit ni Robredo sa DILG kahit itinalaga nito bilang officer-in-charge si Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Hintayin na lamang anya ang magiging anunsiyo ni PNoy kung sino ang napipisil niyang magiging kapalit ni Robredo.

Wika ni Lacierda, ang nais ni PNoy na susunod na DILG chief ay katulad ni Sec. Robredo na katuwang niya sa pagsusulong ng tuwid na daan at paglaban sa corruption.

Kamakalawa ay inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na liyamado raw sa karera bilang susunod na DILG chief si Sen. Panfilo Lacson na magtatapos ang termino sa June 30, 2013.

Bukod kay Lacson, nais din ni Vice President Jejomar Binay na hawakan ang nasabing posisyon sa DILG habang ang nais naman ni DOTC Sec. Mar Roxas ay si Cavite Rep. Jun Abaya ang irekomenda sa Pangulo bilang kapalit ni Robredo sa DILG.

Lumulutang din na posibleng piliin ni PNoy na kapalit ni Robredo ang kanyang classmate sa Ateneo na si Albay Gov. Joey Salceda na isa ring Bicolano. 

Pero ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, dapat mi­yembro rin ng Liberal Party (LP) ang ilagay sa DILG at katulad ni Robredo na hindi pulitiko at inuuna muna ang trabaho.  

ALBAY GOV

CAVITE REP

HOUSE MAJORITY

JESSE ROBREDO

JOEY SALCEDA

JUN ABAYA

LACIERDA

LIBERAL PARTY

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with