^

Bansa

Apo ni Ampatuan Sr. timbog!

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation Group ang apo ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., na pang-102 suspect sa Maguindanao massacre matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., ang nasakoteng si Datu Ulo Ampatuan, may patong sa ulo na P250,000.

Sinabi ni Pagdilao, bandang alas-6:30 ng gabi ng maaresto ng mga elemento ng CIDG’s Detective and Special Ope­rations Division (DSOD) at Anti-Fraud and Commercial Crime Division (AFCCD) ang suspek sa #12 Monina Yllana BF Resort, Las Piñas.

Nasamsam dito ang isang cal.45 pistol na may dalawang magazine.

Ayon kay Pagdilao, positibong itinuro ng mga testigong sumailalim sa imbestigasyon ng PNP-CIDG na si Datu Ulo ay isa sa mga rumatrat sa 57 biktima partikular sa misis ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na si Genalyn.

Nakatala si Datu Ulo bilang No. 5 sa mga pi­naghahanap ng batas kaugnay ng ipinalabas na warrant of arrest sa kasong multiple murder na inisyu ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221, QC Regional Trial Court.

Ayon kay Pagdilao, halos nasa 50% na sa mga pangunahing suspect sa massacre  ang nasasakote at nasa 94 na lamang ang tinutugis pa ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ng National Press Club ang PNP-CIDG sa pagkakaaresto kay Datu Ulo.

Nanawagan din si NPC president Benny Antiporda kay Justice Secretary Leila de Lima para bigyang atensyon ang walang humpay na pagpatay sa mga testigo sa kaso, partikular na yaong nasa kustodiya ng Witness Protection Program.

“Mawawalan ng saysay ang mga pag-arestong ito kung wala nang testigong titindig laban sa ginawang karumal-dumal na krimen ng mga suspek,” idiniin ni Antiporda.  

ANTI-FRAUD AND COMMERCIAL CRIME DIVISION

AYON

BENNY ANTIPORDA

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP

DATU ULO

DATU ULO AMPATUAN

LAS PI

PAGDILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with