^

Bansa

Simbahan hinamon sa RH bill

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinamon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang Simbahang Katoliko na pabayaang maisabatas ang Reproductive Health bill upang makuwestyon nila sa Korte Suprema ang legalidad nito.

Sabi ni Lagman, masasagot lamang ang tanong ng mga Kaparian kung legal ba ang RH bill o hindi kapag naging batas ito.

Wika ni Lagman, ang depensa ng Simbahan na pinoproteksyunan ng Kons­titusyon ang buhay ng hindi pa naipapa­nga­nak na bata ay para maiwasan na magkaroon ng batas sa aborsyon, na wala naman umano sa RH bill.

Hindi umano totoo na magiging legal ang aborsyon kapag naging batas ang RH Bill dahil ang contraceptives ay ginagamit para harangin ang pagbubuntis kaya wala  pang fetus kapag ginamit ito ng mag-asawa.

“It is for this reason that contraceptives like pill, condoms, injectables and the IUD are medically certified as non-abortive or not abortifacients and are approved by the Food and Drug Administration. Contraceptives prevent fertilization, while abortion pre-terminates an existing pregnancy or conception,” punto pa ni Lagman.

Ayon kay Lagman, ang RH bill ay malinaw na magagamit ng mag-asawa para makontrol ang paglaki ng populas­yon ng bansa.

ALBAY REP

AYON

DRUG ADMINISTRATION

EDCEL LAGMAN

HINAMON

KAPARIAN

KORTE SUPREMA

LAGMAN

REPRODUCTIVE HEALTH

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with