^

Bansa

P44-B CCT program ng DSWD hihimayin ng Senado

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hihimayin ngayon ng Senado ang P44.26 bilyon conditional cash transfer program na kilala rin sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

Ang P44.26 bilyong pondo ay nakapaloob sa panukalang P2.006 tril­yong national budget  para sa susunod na taon.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate Commitee on Finance, isasalang ngayon sa pagdinig ng komite ang budget ng DSWD kung saan inaasahang haharap si Secretary Dinky Soliman.

Nilinaw ni Drilon na ang 4Ps ay hindi lamang para sa mga programa ng  mahihirap dahil maituturing din itong investment para sa edukasyon at kalusugan ng mga batang Filipino.

“The CCT program will get an increase of 12.2 percent from its 2012 allocation of P39.45 billion to benefit additional 700,000 households in 2013,” ani  Drilon.

Ang  mga benepisyaro ng programa ngayong taon ay umabot na umano sa  3,106,979.

Idinagdag pa ni Dri­lon na ang mga benepisyaryo  ng 4Ps ay nakakatanggap ng hanggang P1,400 buwanang tulong mula sa gobyerno sa kon­disyon na hindi nila pahihintuin sa pag-aaral ang kanilang mga anak at tatanggap ng mga pre-natal at iba pang check-ups ang mga ina ng tahanan.

“The allocation for CCT program is 78.8 percent of the total proposed budget of the DSWD amounting P56.2 billion,” sabi ni Drilon.

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DRI

DRILON

HIHIMAYIN

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SENATE COMMITEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with