^

Bansa

PNoy: Bayani si Robredo

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinawag na isang bayani ni Pangulong Benigno Aquino III ang yumaong si DILG Sec. Jesse Robredo sa kanyang mensahe sa Araw ng mga Bayani kahapon.

Sinabi ni Pangulong Aquino, ngayon ay ihahatid natin sa kanyang huling hantungan si Sec. Robredo na isang tapat at mabuting pinuno.

“Bayani siyang pinili ang simpleng pamumuhay; tinutukan ang kapakanan ng kapwa bago ang sarili, at na­ngibabaw ang kanyang prinsipyo laban sa transaksyonalismo,” dagdag pa ng Pangulo.

Ngayon ihahatid sa kanyang huling hantungan si DILG Sec. Robredo matapos ang isang state funeral para sa yumaong kalihim.

Isang concelebrated mass ang isasagawa ni Archbishop Leonardo Legazpi sa Basilica Minore de Nuestra Señora de Peñafrancia para kay Sec. Robredo ngayong umaga saka gagawaran naman ni Pangulong Benigno Aquino III ng Philippine Legion of Honor award na may rank of a chief commander (posthumous) ang pumanaw na kalihim.

Babasahin ni DBM Sec. Florencio Abad ang citation ng Philippine Legion of Honor award for life achievement habang ang insignia naman ay iaabot ni Pangulong Aquino sa biyuda ng kalihim na si Atty. Lenie Robredo. Inaasahang magbibigay naman ng kanyang res­ponse si Atty. Lenie o sinumang miyembro ng pamilya nito sa pagtanggap ng award.

Magbibigay naman ng kanyang eulogy para sa pumanaw na DILG chief si Pangulong Aquino saka dadalhin ang kabaong ni Robredo ng casket bearers mula sa PNP at AFP kasama ang miyembro ng Gabinete bilang pallbearers patungo sa Funeraria Imperial para sa state funeral.

Nakatakdang i-cremate si Robredo sa Funeraria Imperial matapos ang state funeral kabilang ang departure honors para sa kalihim at 19-gun salute ng AFP habang tinutugtog ang pambansang awit ng Pilipinas habang paalis ito sa Basilica.

Habang nasa Crematorium naman ang bangkay ni Robredo sa Funeraria Imperial ay mayroong 3-volley salute ang PNP sa yumaong DILG chief kasunod ang pagtugtog ng Taps ng AFP band.

Kasunod nito ay aalisin na ang watawat sa kabaong ni Robredo at ito ay titiklupin ng PNP-AFP casket bearers at iaabot kay Pangulong Aquino upang ibigay naman kay Atty. Lenie Robredo sa pagtatapos ng state funeral.

Samantala, inatasan naman ni Education Sec. Armin Luistro ang lahat ng regional directors sa buong bansa na magkaroon ng discussion para sa buhay ni Sec. Robredo sa araw ng kanyang libing.

“It is important for our students to understand why the whole nation is mourning the loss of Sec. Jesse. There is much to learn about his life, his principles, his commitment to public service and his dedication to the common good,” wika pa ni Sec. Luistro.

Dalawang module ang ipamamahagi sa mga paaralan—Araling Panlipunan at Values Education para sa good governance at public service ni Robredo at ang magandang relas­yon ng DILG chief at dating Naga City mayor sa komunidad at magandang ehemplo bilang ama.

”If our students recognize honest and dedicated public servants as the norm rather than the exception, this will help accelerate the process of social transformation, then Sec. Jesse would not have died in vain,” ended Luistro. (May dagdag na ulat ni Danilo Garcia)

ARALING PANLIPUNAN

ARCHBISHOP LEONARDO LEGAZPI

ARMIN LUISTRO

FUNERARIA IMPERIAL

LENIE ROBREDO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE LEGION OF HONOR

ROBREDO

SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with