Pinas nasa US 'watch list' sa pamemeke
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng mga mambabatas sa Kamara ang umano’y pananatili ng Pilipinas sa “watch list” status ng Estados Unidos para sa counterfeit goods.
Naalarma sina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez (Mindanao) sa 2012 Special 301 report ng Office of the United States Trade Representative (USTR), na nagsasagawa ng taunang rebyu sa estado ng intellectual property rights (IPR) protection and enforcement sa iba’t ibang bansa, kung saan kasama ang Pilipinas.
Isinama ng ahensiya ang “Quiapo shopping district” sa Maynila bilang isa sa 15 “notorious markets worldwide for piracy and counterfeiting.”
Ang 25 iba pang bansa sa listahan ngayong taon ay ang Belarus, Bolivia, Brazil, Brunei Darussalam, Colombia, Costa Rica, Dominican Republic, Ecuador, Egypt, Finland, Greece, Guatemala, Italy, Jamaica, Kuwait, Lebanon, Mexico, Norway, Peru, Romania, Tajikistan, Turkey, Turkmenistan, Uzbekistan at Vietnam.
Kasama naman sa 13 bansa na nasa “priority watch list” ng USTR ang Algeria, Argentina, Canada, Chile, China, India, Indonesia, Israel, Pakistan, Russia, Thailand, Ukraine at Venezuela. Habang ang Paraguay ay kabilang sa Section 306 Monitoring.
Napag-alaman na inilagay ang mga bansa sa tatlong kategorya na “Priority Watch List,” “Watch List” at “Section 306 Monitoring.”
- Latest
- Trending