^

Bansa

Palasyo, Comelec hinamon sa Imus poll protest

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga residente ng Imus City, Cavite ang umano’y kawalan ng “tapang” at “political will” ni Commission on Elections chairman Sixto Brillantes at iba pang opis­yal ng Comelec na agarang ipatupad ang desis­yon nitong nagdeklara kay Mayor Homer Saquilayan bilang tunay na alkalde ng siyudad.

Sa isang news forum sa Quezon City noong Sabado, binatikos din ni Partido Magdalo chairman at Cong. Jesus Crispin Remulla ang Malacañang sa “panghihimasok” sa poll protest upang tiyakin umano ang patuloy na pag-upo bilang alkalde ni Emmanuel Maliksi.

“Nakikiusap kami sa Comelec na magpakita ng tapang at gawin nang tama ang kanilang trabaho.

Sabi pa ni Remulla, isang “top level” na opis­yal sa Malacañang ang umamin umano sa kanya na buong puwersa ng gobyerno ay ginagamit ngayon pabor kay Maliksi na miyembro ng Liberal Party (LP) at malapit na kaalyado sa pulitika ni Pangulong Aquino.

“Dapat na ring itigil ng Malacañang ang pagi­ging ‘ipokrito’ sa palaging pagsasabi ng ‘matuwid na daan’ habang wala naman silang ginawa kundi protektahan ang ka­nilang mga kaalyado sa pulitika at pakialaman ang Comelec sa trabaho nito,” pahayag ni Remulla.

Si Maliksi ay anak ni ex-Gov. Irineo Maliksi at inaanak naman ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa rekord ng protesta na kinumpirma ng Come­lec, nanalo si Saquilayan kay Maliksi sa kabuuang 8,429 boto.

Sa kabila nito, naupo pa ring mayor si Maliksi matapos paboran ni Imus Regional Trial Court judge, Cesar Mangrobang, ang kanyang protesta.

Sa magkasunod namang desisyon ng Come­lec First Division noong Mayo 7 at Agosto 15, ki­natigan nito ang reklamo ni Saquilayan at idineklara itong tunay na nanalong alkalde ng Imus.

Sa ngayon ay may binubuno namang administrative complaint si Mangrobang sa Supreme Court na isinampa ni Saquilayan.

Bukod sa pagkumpirma sa panalo ni Saquilayan, inutusan din ng Comelec ang Law Department nito na imbestigahan si Maliksi at ang mga ‘di pa kilalang suspect sa umano’y tampering ng mga ballot boxes pagkatapos ng halalan.

Nakiusap naman si Saquilayan kay Brillantes na agad aksyunan ang kanyang “motion for execution” na isinampa sa Comelec noong Agosto 17, upang tahimik at maayos siyang makabalik bilang alkalde ng Imus.

AGOSTO

CESAR MANGROBANG

COMELEC

EMMANUEL MALIKSI

FIRST DIVISION

IMUS CITY

MALACA

MALIKSI

SAQUILAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with