^

Bansa

Igme palabas na

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Palabas na ng bansa ang bagyong Igme habang ang bagyong Julian ay patungo na sa direksiyon ng Japan. Si Igme ay namataan ng Pagasa sa layong 380 kilometro hilagang kanluran ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 130 kilometro bawat oras. Ngayong Linggo, si Igme ay inaasahang nasa layong 550 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Samantala, ang bagyong Julian ay bahagyang lumakas habang kumikilos papuntang Japan. Taglay nito ang lakas ng hanging 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanging hanggang 195 kilometro bawat oras. Ngayong Linggo ng umaga, si Julian ay nasa labas na ng bansa.

vuukle comment

BASCO

BATANES

IGME

KILOMETRO

NGAYONG LINGGO

PAGASA

PALABAS

SAMANTALA

SI IGME

TAGLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with