^

Bansa

Sereno hinamon ng kabataan

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinamon ng isang grupo ng mga militanteng kabataan ang bagong talagang si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ma­ging pro-people sa kanyang pag-upo sa pwesto.

Sinabi ni Anakbayan National Capital Region, secretary-general Dianne Marie Solmayor na dapat panindigan ni Sereno ang kanyang pahayag na hindi siya gaya ng iba na binabaluktot ang batas.

Pinaalalahanan ni Solmayor si Sereno na siya ay may utang na loob lamang sa taong bayan at hindi kaninuman.

Dapat din umanong patunayan ni Sereno na ang hukuman sa ilalim ng kanyang pamumuno ay hindi magiging “Aquino Supreme Court” hindi gaya nuong pamumuno ni dating Chief Justice Renato Corona na ang korte ay naging “Arroyo Supreme Court.”

Sinabi ni Solmayor na patuloy nilang babantayan ang mga kaso na may kina­laman sa mga manggagawa, magsasaka at mahihirap partikular na ang kaso ng Hacienda Luisita na magi­ging isang pagsubok umano kay Sereno.

Pinayuhan pa ng grupo si Sereno na tularan ang pumanaw na si dating DILG Secretary Jesse Robredo sa halip na si Pa­ngulong Aquino sa kanyang pagsisilbi sa taong bayan.

Naniniwala naman si Kilusang Mayo Uno (KMU) chairperson Elmer Labog na ang pagkakatalaga kay Sereno ay sa layu­ning makontrol ng punong eheku­tibo ang interes ng kanyang pamilya sa kaso ng Ha­cienda Luisita.

Si Sereno ang unang appointee ni Aquino sa Korte Suprema at sumulat ng dissenting opinion kaugnay sa desisyon ng pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Dahil dito, maitutu­ring umano na self-serving ang pagtalaga kay Sereno nang sa gayon ay maba­ligtad ang desisyon sa Hacienda Luisita at tumaas ang matatanggap na kompensasyon ng pamil­ya Cojuangco mula sa pamamahagi ng lupain ng Hacienda.

Nababahala rin ang grupo na maging puppet o sunud-sunuran lamang ni Aquino si Sereno kaugnay sa mga polisiya na kontra sa interes ng mga manggagawa.

Bunsod nito, sinabi ni Labog na ngayon ay lumilinaw na ang totoong mis­yon ni Pangulong Aquino sa pagpapatalsik kay Corona ay hindi para papanagutin si dating Pangulong Gloria Arroyo kundi para mapanatiling kontrolado ng kanyang pamilya ang Hacienda.

ANAKBAYAN NATIONAL CAPITAL REGION

AQUINO

AQUINO SUPREME COURT

ARROYO SUPREME COURT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DIANNE MARIE SOLMAYOR

ELMER LABOG

HACIENDA LUISITA

SERENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with