^

Bansa

CJ Sereno nanumpa na

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pormal nang nanumpa kahapon kay Pangulong Aquino ang bagong Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinamahan si Sereno ng kaniyang asawang si Mario Jose Sereno at mga anak na sina Maria Sophia at Jose Lorenzo.

Sinaksihan din ang nasabing okasyon nina da­ting Chief Justice Artemio Panganiban at iba pang miyembro ng Supreme Court na kinabibilangan nina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Martin Villarama, Mariano del Castillo at Bienvenido Reyes.

Dumalo rin sa nasabing okasyon si Justice Sec. Leila de Lima na na­ging nominado rin bilang chief justice, Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., Budget Secretary Flo­rencio Abad at Communication Secretary Ricky Carandang. 

Ayon kay de Lima, wala naman siyang nararamdamang sama ng loob matapos siyang i-diskuwalipika ng Judicial and Bar Council dahil sa kinakaharap niyang disbarment case.

Sinabi ni de Lima na ang SC ngayon ay nasa mabuti ng kamay matapos mahirang si Sereno.

Dahil 70 ang retirement age ng isang chief justice, aabot sa 18 taong manunungkulan si Sereno na ngayon ay 52 pa lamang.

Tumanggi naman si Sereno na magbigay ng anumang pahayag sa media matapos ang kaniyang panunumpa.

ASSOCIATE JUSTICES ESTELA PERLAS-BERNABE

BIENVENIDO REYES

BUDGET SECRETARY FLO

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

COMMUNICATION SECRETARY RICKY CARANDANG

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

JOSE LORENZO

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SEC

MARIA SOPHIA

MARIO JOSE SERENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with