^

Bansa

PNoy pinag-iingat sa itatalagang DILG chief

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng oposisyon sa kamara si Pa­ngulong Noynoy Aquino sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni House De­puty Minorty Leader Mi­lagros Magsaysay na mas­yadong sensitibo ang posisyon sa DILG lalo’t papasok na ang eleksyon sa susunod na taon.

Kailangan din umano na ang ipapalit ng Pangulo ay hindi nagpapaapekto sa pulitika at hindi gagamitin ang kaniyang posisyon para sa anumang ambis­yon sa pulitika.

Bukod dito kailangan din umano ay mapanatili ng papalit kay dating DILG Secretary Jesse Robredo ang peace and order, masigurong mapapababa ang kaso ng election related violence at mapapanatili ang maayos na halalan sa Mayo.

Malaking responsibi­lidad umano ang nasa balikat ng sinumang itatalaga ng Pangulo kaya dapat ay walang bahid ng pulitika ang ilalagay dito.

Nauna nang napaulat na nagsimula na umano ang bangayan mula sa mga partidong kaalyado ng Pangulo dahil may kanya kanya ring manok na nais maitalaga sa nabakanteng pwesto.

Tatlong pangalan umano ang lumulutang na papalit kay Robredo kabilang na dito sina Senador Panfilo Lacson, Cavite Rep. Jun Abaya at Grace Padaca na pawang mga taga Liberal Party (LP).  

vuukle comment

CAVITE REP

GRACE PADACA

HOUSE DE

JUN ABAYA

LIBERAL PARTY

MINORTY LEADER MI

NOYNOY AQUINO

PANGULO

SECRETARY JESSE ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with