^

Bansa

7 dayuhan kinasuhan sa drug trafficking

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal sa Depart­ ment of Justice (DOJ) ang pitong dayuhan na nasakote ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Bia­zon dahil sa pagdadala ng droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni Biazon ang mga kinasuhang sina Francisca Jovian na nakuhanan ng 3.7 kilo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P29.8 mil­yon noong Mayo 27, 2012 habang sina Tamil Veloo at Chandrar Naddarajan naman ay nahulihan ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P48 milyon noong Hunyo 16, 2012.

Apat na kilo naman ng shabu na P32.4 milyon ang nakumpiska kay Ooi Hock Guan noong Hulyo 15, 2012; 2.3 kilo ng shabu na P18.4 milyon kay Thai national Danny Boon Eng Ng noong Hulyo 10, 2012; 2.9 kilo ng shabu at may halagang P11 mil­yon kay Nepalese Sun Bahadur Tamang noong Agosto 10, 2012 habang ang babaeng Vietnamese na si Duong Thi Yen ay nahulihan ng 2.9 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P23.2 milyon noong Agosto 14.

Sinabi ni Biazon na kasong paglabag sa Ta­riffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at RA 9165 o Comprehen­sive Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng pitong dayuhan.

Dahil umano sa intelligence report at ginawang pagbusisisi ng mga Customs police ay nabigo ang mga ito na maipuslit ang mga droga sa NAIA.

Siniguro naman ni Biazon na hindi nila papayagang makapasok sa bansa ang sinumang da­yuhan na magtatangkang magpuslit ng droga.

AGOSTO

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CHANDRAR NADDARAJAN

COMMISSIONER RUFFY BIA

CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES

DANNY BOON ENG NG

DRUGS ACT

DUONG THI YEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with