MANILA, Philippines - Posible umanong sumanib ang bagong tropical storm na nasa silangang bahagi ng bansa sa bagyong Igme na nananalasa sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Bernie de Leon, Pagasa weather forecaster, kung hindi magbabago ang direksyon ng nasabing tropical storm na may international name na Bolaven, maari itong pumasok sa Philippine territory sa mga susunod na araw. Kung maging ganap na bagyo ito ay tatawaging “Julian.”
Posible ding magsanib ang dalawang weather disturbance habang patungong Taiwan area.
Patuloy na nakataas ang signal no. 1 sa Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands atBatanes Group of Islands
Sa Huwebes ng umaga ay nasa layong 280 kilometro ng hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes si Igme taglay ang lakas ng hanging 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 200 kilometro bawat oras.