^

Bansa

Robredo hirit ihimlay sa Libingan ng mga Bayani

- Gemma Garcia/Butch Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inihirit ng ilang kongresista na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Aurora. Rep. Sonny Angara, si Robredo ay maituturing na isang ‘modern hero’ kaya nararapat na dalhin sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani.

Labis na ikinalungkot ni Angara ang biglaang pagpanaw ni Robredo dahil ang daang matuwid ay nawalan ng isang ‘champion’.

Ang pinaka-mainam na tribute umano na maipagkakaloob kay Robredo ay ituloy ang mga isinulong nitong pagbabago para sa bansa.

Ikinalungkot din ni Ang Kasangga party-list Rep. Teodorico Haresco ang nangyari kina Robredo at dalawang kasamang piloto.

Sinabi ni Haresco, malaking kawalan sa bansa si Robredo dahil matapat nitong ginampanan ang kanya trabaho bilang Secretary ng DILG.

Ang naipakita ni Robredo na ehemplo bilang isang serbisyo publiko ay dapat tularan ng mga maninilbihan sa ating gobyerno sa darating na panahon. 

ANG KASANGGA

ANGARA

AYON

BAYANI

HARESCO

LIBINGAN

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBREDO

SONNY ANGARA

TEODORICO HARESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with