^

Bansa

'Prize freeze' sa petrolyo ituloy

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat umanong ituloy ng Malacañang ang pinairal na “prize freeze” sa mga produktong petrolyo sa mga lugar na sinalanta ng nakaraang kalamidad upang ganap na makabangon ang mga biktima sa sinapit na delubyo.

Sinabi ni Pamalakaya chairman Fernando Hicap na maaaring gamitin ni Pangulong Aquino ang “Price Control Act” para mapigilan ang mga kumpanya ng langis sa ipinatupad na dagdag singil kamakalawa sa mga lugar na itinaas ang “state of calamity”.

Sinabi nito na maging sa Oil Deregulation Law isinasaad rin na dapat matigil ang monopolya ng mga kumpanya ng langis sa pagkamal ng malaking kita sa ngalan ng nasyunal na interes at kaligtasan ng publiko.

Kamakalawa, nagtaas ang Shell, Total, Eastern Petroleum, Chevron na pawang mga dayuhan umano ang nagmamay-ari sa presyo ng premium at unleaded gasoline ng P1.70 kada litro, P1.80 sa regular gasoline, P1.60 sa kerosene at P1.50 sa diesel.

Sinabi ni Hicap na marami pa sa mga pamilya sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, Zambales, Bulacan, Pampanga at Bataan na tataasan ang presyo ng langis ay hindi pa nakakabawi sa sinapit nila at marami pa ang nasa mga “evacuation areas” kaya hindi makatwiran na magpatupad ng dagdag singil.

Lahat rin ng kanilang mga miyembrong mangi­ngisda ay napilitang tumigil sa kanilang hanapbuhay sa pangingisda dahil sa kalamidad at walang maipakain sa kanilang pamilya.

Samantala, posibleng dagdag pasakit pa ang da­nasin ng pamayanan sa napipintong panibagong dagdag-presyo sa petrolyo ngayong linggo, na ayon sa Department of Energy ay base raw sa paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigan merkado. Bukod pa dito aniya ang pagtigil sa operasyon ng ilang oil refineries sa Asya.

ASYA

DEPARTMENT OF ENERGY

EASTERN PETROLEUM

FERNANDO HICAP

METRO MANILA

OIL DEREGULATION LAW

PANGULONG AQUINO

PRICE CONTROL ACT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with