Produksiyon ng ginto bumagsak dahil sa smuggling
Manila, Philippines - Bumagsak ang produksiyon ng ginto sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito dahil sa talamak na gold smuggling.
Ito ang sinabi ni Secretary Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya’t nabawasan ng may 95 percent ang binibiling ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga minero ng ginto.
Sinabi ni Paje, ang pagbagsak ng bentahan ng ginto ay naganap noon pang ikalawang semester ng 2011 nang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay mangolekta ng 2 percent excise tax at 10 percent Creditable Withholding Tax (CWT) mula sa bentahan ng ginto ng mga small-scale miners at traders .
Anya ay umaabot na lamang sa 786 kilograms ng ginto ang nabibili ng BSP mula sa dating 15,003-kilogram na nagpapakita ng 95 percent na bagsak na bentahan ng ginto.
Iginiit ni Paje, napapanahon ng magkaroon ng Anti-Illegal Mining Task Force na batay sa Executive Order No. 79 upang maibsan ang gold smuggling sa bansa.
- Latest
- Trending