Manila, Philippines - Nagpakawala ng tubig ang tatlong pangunahing dam sa Luzon kahapon ng umaga dahil sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig bunga ng pag-uulan.
Ayon sa PAGASA, alas-6:00 ng umaga nang magsimulang buksan ang isang gate ng Ambuklao dam sa Benguet habang ang Binga sa Itogon at San Roque dam sa Pangasinan naman ay nakabukas pa rin ang kanilang dalawang gate para mag- release ng sobrang tubig.
Sinasabing patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam bunga na rin ng pag-abot sa 750.98 meters ang level ng tubig.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira malapit sa naturang mga dam na mag-ingat at imonitor ang paligid para makaiwas sa anumang panganib o banta ng flashfloods at landslides.