^

Bansa

Laciste nakita sa Isabela

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagpadala na ang Department of Justice (DOJ) ng five-man recovery team sa lalawigan ng Isabela para maaresto ang puganteng si Rommel Laciste, mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang aksiyon ay bunsod ng report na namataan sa isang barangay sa Isabela Province ang convicted murderer.

Sa ulat noong Agosto 15 ay natuklasang nakatakas si Laciste, dakong alas-2:00 ng hapon, na hinihinalang pumuslit sa pamamagitan ng pagsakay sa delivery truck na nagsusuplay ng pagkain sa NBP.

Sampung custodial officers ng NBP ang pinagpapaliwanag ni De Lima, kung bakit nakatakas si Laciste sa Bilibid.

Noong   2008 nang mahatulan ng habambuhay na pakabilanggo si Laciste dahil sa kasong panggagahasa at papatay sa isang babae na probation officer sa Isabela noong Setyembre 2006, bukod pa sa Robbery case na kinakaharap ng pugante.

AGOSTO

AYON

BILIBID

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISABELA

ISABELA PROVINCE

LACISTE

NEW BILIBID PRISON

ROMMEL LACISTE

SECRETARY LEILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with