Pagbili ng bagong eroplano, iginiit

Manila, Philippines -  Iginiit kahapon ni Se­nate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na panahon na upang bumili ang gobyerno ng bagong eroplano at chopper kay Pangulong Benigno Aquino III, maging sa mga miyembro ng gabinete nito.

Ayon kay Sotto, hindi ito ang unang pagkaka­taon na merong Malacañang official na nadisgrasya sa sinasakyang aircraft.

Matatandaang sa ila­lim ng Arroyo administration ay nasawi si dating Press Secretary Jose Capadocia makaraang mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter.

Aniya, hindi na dapat intindihin ng Pangulong Aquino ang anumang mga batikos sa pagbili ng bagong eroplano o sa pag-upgrade ng ginagamit na aircraft nito. Mas mahalaga umano ang kaligtasan ng Pa­ngulo at maging ng mga gabinete nito.

Show comments