^

Bansa

Kaya raw tinaasan ang pabuya sa mga wanted, criminal justice system mahina - CBCP

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Mahina raw ang criminal justice system sa bansa dahil kinailangan pa ng Malacañang na taasan ang pabuya para madakip ang pitong high-profile fugitives sa bansa, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action – Justice and Peace (NASSA), ang social action arm ng CBCP, hindi dapat na nagbigay ng pabuya ang pamahalaan para sa pagdakip ng mga naturang pugante dahil ito’y istriktong police work lamang dapat.

Ang dapat anyang ipakita ng pamahalaan ay ang pagiging epektibo ng criminal justice system sa bansa at patunayan ang kakayahan ng mga awtoridad sa pagdakip ng mga kriminal.

Tila mas epektibo pa ang reward kumpara sa intelligence network ng pamahalaan upang masakote ang mga wanted na kirminal.

Iginiit pa ng CBCP official na ang intelligence gathering ng pamahalaan ay may sapat na pondo at ang pagkabigo ng mga alagad ng batas na maaresto ang mga pugante ay pagkabigo rin ng mga ito na gampanan ang kanilang tungkulin.

Nauna rito, itinaas ni Pangulong Aquino sa P2 milyon ang pabuya para maaresto ang tatlong high-profile fugitives na sina retired army general Jovito Palparan, dating Palawan Gov. Joel Reyes, at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Nag-alok din ito ng P2 milyong reward money para sa impormasyong makapagtuturo sa kinaroroonan ng housing developer na si Delfin Lee at ipinaalala rin na may tig-P5.6 bounty sa ulo nina communist leaders Benito Tiamson at George Madlos.

Sa kabila nito, umaasa naman si Gariguez na madadakip na ng mga awtoridad ang mga naturang pugante, partikular na si Palparan.

BENITO TIAMSON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DELFIN LEE

DINAGAT ISLAND REP

EDU GARIGUEZ

GEORGE MADLOS

JOEL REYES

JOVITO PALPARAN

JUSTICE AND PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with