^

Bansa

5,000 sundalong Muslim sasama sa Ramadan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid Al-Fitr, may 5,000 kapatid na Muslim mula sa Phi­lippine Army (PA) ang sasama sa naturang selebrasyon ngayon.

Ayon kay Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng PA, ang araw ng Lunes ay sumisimbolo ng banal para sa mga Muslim upang mag-fasting at makapagdasal sa Panginoon.

Sinabi nito, binigyan nila ng pahintulot ang 5,000 Muslim soldiers na mag-celebrate ng kanilang religious holiday para ipakita na nirerespeto ng PA ang kanilang karapatan para sa kanilang relihiyon at paniniwala tulad ng Kristiyano, Protestante, at iba pang religious group.

Sa ngayon, dagdag ni Cabunoc, ang PA ay mayroong dalawang I­mams sa katauhan nina Maj. Farouk B Sarip ng 4th Infantry Division at Maj. Adzramien T. Sahisa ng 1st Infantry Division.

Ang dalawa ay dedicated at passionate military chaplains na ginagawa ang kanilang kakayahan para bigyan ng emotional at spiritual guidance, lalo na sa pa­nahon ng Ramadan ang mga sundalong Muslim.

Ang Ramadan ay ginagawa tuwing ika-9 ng buwan sa Islamic calendar at kinokonsidera ng mga Muslim bilang banal na buwan na tumutukoy sa revelation ng Holy Qur’an para kay Propeta Mohammad. 

Hindi lamang ang fasting, tulad ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, at pagtatalik ang dapat gawin kundi maging ang tsismisan, pagmumura, pagsisinungaling, at paninira sa kapwa ay ipinagbabawal ding gawin ng mga ma­nanampalataya.

ADZRAMIEN T

ANG RAMADAN

AYON

EID AL-FITR

FAROUK B SARIP

HOLY QUR

INFANTRY DIVISION

MAJ

MAJOR HAROLD CABUNOC

PROPETA MOHAMMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with