^

Bansa

Sa kabila ng bagyo at baha. 'Rice sufficient' makakamtan!

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Sa kabila ng mga pagbaha na nakaapekto sa ilang palayan sa bansa dulot ng bagyo at patuloy na pag-ulan sanhi ng hanging habagat, iginiit ng Department of Agriculture na makakamtan pa rin ang pagiging ‘rice sufficient’ ng bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Antonio Nangel, base sa kanilang monitoring aabot sa 36,000 ektarya ng lupain o palayan ang nasira ng baha sa bansa.

Pero dagdag ni Nangel, meron pang dalawang harvest season kaya naman abot kamay pa rin ang target na rice sufficiency sa susunod na taon kasabay ng pahayag na ipinapanalangin nila na wala ng gaanong malakas na bagyong papasok sa bansa.

Mahigit P400 milyon ang tinatayang nasira sa irri­gation system ng bansa pero agad na raw kumilos ang gobyerno para solusyunan ito.

Ang DA naman sa ilalim ni Kalihim Proceso Alcala ay namimigay din ng mga libreng binhi para sa mga magsasaka upang agad makabawi sa kanilang binahang sakahan. Ang mga apektadong magsasaka ay maaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng DA sa kanilang probinsiya.

ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

BANSA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KALIHIM PROCESO ALCALA

MAHIGIT

NANGEL

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PERO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with