^

Bansa

12,500 aplikante sa PMA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Aabot sa 12,500 ang naitalang aplikante sa gaganaping annual entrance examination ng Philippine Military Aca­demy sa darating na August 26 ng taon.

Ayon kay Col. Arnulfo Burgos, Jr., spokesperson ng AFP, naghahanda na ang buo nilang tropa para maging maayos ang nasabing pagsusulit kung saan naglaan na sila ng 37 testing center sa buong bansa.

Sinabi ni Burgos, ang average daily rate ng applications na pumapasa ay 400, ngunit inaasahan ng akademya ang 3,000 hanggang 5,000 walk-in applicants sa itinakdang araw ng eksaminasyon.

Noong nakaraang taon, may 15,873 apli­kante ang kumuha ng PMA admittance test kung saan 1,120 ang nakapasa at 123 itinanghal na appointed cadets.

Umaasa ang PMA sa pagtaas ng bilang ng mga aplikante kasunod ng pahayag ni PMA Supt. Major Gen. Nonato Peralta Jr., hinggil sa pagpapalit ng minimum height requirement sa mga aplikante mula sa 5’0 inches, lalaki o babae. Mas pinababa sa height requirement mula 5’4 para sa lalaki at 5’2 sa babae.

AABOT

ARNULFO BURGOS

AYON

BURGOS

MAJOR GEN

NONATO PERALTA JR.

NOONG

PHILIPPINE MILITARY ACA

SINABI

UMAASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with