^

Bansa

Paglaya ni Abalos kukuwestiyunin ng Comelec

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kukuwestiyunin ng Commission on Elections (Comelec) ang ginawang pagpapalaya ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. nais nilang malaman kung bakit ganon ang naging resolusyon ni Judge Jesus Mupas, ang hukom na humahawak sa kaso laban sa kampo ng matandang Abalos.

Pinulong na ni Brillantes ang kanilang legal group upang ihanda ang motion for reconsideration na ihahain sa Pasay court anumang araw nga­yong linggo.

Duda si Brillantes kung paano agad nadesisyunan ni Judge Mupas ang petition for bail ni Abalos sa napakaikling panahon. 

Base sa ruling ni Judge Mupas, pinaboran ang application for bail ni Abalos dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya, dagdag pa ang edad ng dating Comelec chief na 77 at kalusugan nito.

Si Abalos ay isa sa kapwa akusado ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Una na ring pinayagan ni Mupas si Arroyo na makapagpiyansa dahil sa sinasabing nabigo ang prosekusyon na ma­kapagharap ng sapat na testigo na magdidiin sa kaso ng pananabotahe sa halalan laban sa da­ting Punong Ehekutibo at kanyang mga opisyal.

ABALOS

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

JUDGE MUPAS

PAMPANGA REP

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with