MANILA, Philippines - Tinanggap na ng pamilya ng yumaong Fernando Poe Jr. ang posthumous National Artist Award for Cinema mula kay Pangulong Aquino sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.
Ang biyuda ni FPJ na si Susan Roces-Poe ang tumanggap ng award mula kay Pangulong Aquino. Naroroon din ang anak ni FPJ na si MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares.
Sinabi ng Pangulo, nararapat lamang ipagkaloob kay FPJ ang National Artist Award dahil sa naging kontribusyon nito sa Pelikulang Pilipino.
Nagpasalamat naman ang pamilya ni FPJ kay Pangulong Aquino sa pagkilala sa naging kontribusyon ni Da King. Unang iginawad ang National Artist Award kay FPJ sa panahon ng Arroyo government subalit tinanggihan ito ng kampo ni Poe.
Magugunita na naglaban sa 2004 presidential elections sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at FPJ kung saan ay nanalo si GMA subalit inakusahan itong dinaya lamang si Poe.