Reward money itinaas ni PNoy
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng multi-milyong reward money ang gobyerno para mabilis na mahuli at matunton ang mga high profile wanted persons sa bansa.
Sinabi ni National Security Adviser Cesar Garcia sa media briefing, nagdesisyon si Pangulong Aquino na itaas ang reward money upang mas maraming magka-interes na indibidwal na magbigay ng impormasyon upang mabilis na mahuli ang mga ito.
Wika ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, upang mas mabilis na madakip ang mga wanted person na sina Jovito Palparan, magkapatid na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Mario Reyes, negosyanteng si Delfin Lee at Rep. Ruben Ecleo ay ginawang P2-milyon ang reward money bawat isa.
Ang reward money naman para sa ikadarakip nina NPA leader na sina Benito Tiamzon at Jorge Madlos ay nananatiling P5.6 milyon sa bawat isa.
- Latest
- Trending