SC, IBP, JBC nagsabwatan - De Lima
MANILA, Philippines - Nagkaroon umano ng sabwatan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Judicial Bar Council (JBC) at Supreme Court kaya nadiskuwalipika sa mga pinagpipilian bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema si Justice Secretary Leila de Lima.
Ayon kay de Lima, halatang-halata naman na nagkaisa ang tatlo para gipitin siya at masira ang kanyang pag-asa na maging Punong Mahistrado.
Inamin din ng kalihim na ngayon ay pinipilit niyang tanggapin ang nangyari sa kanya bagaman at aminado siya na nahihirapan siyang tanggapin ang ginawang pagbalewala sa kanya ng JBC.
Himutok pa ni de Lima, kitang-kita na inupuan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang disbarment complaint laban sa kaniya.
Katunayan pa nito aniya ay noong Hulyo 3 lamang ipinasa ng SC sa IBP ang disbarment cases laban sa kanya.
Ito’y matapos naman ang kanyang deklarasyon at intensiyon na na mapabilang sa shortlist na isusumite ng JBC kay Pangulong Aquino upang mapagpilian ng magiging Chief Justice.
- Latest
- Trending