MANILA, Philippines - Muling umiskor ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon matapos makaaresto ng isang babaeng Vietnamese national na nahulihan ng halos tatlong kilong shabu na nagkakahalaga ng P345 milyon, kahapon ng hapon sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.
Sa isinumiteng report ni Legal and Investigation Custom police Byron Carbonell sa tanggapan ni Biazon, kinilala ang suspek na si Thin Yen Duong, may sapat gulang.
Naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon sa Centennial Terminal 2. Sakay ang suspek ng PR 753 na nagmula sa bansang India. Unang beses pa lang niya itong pagtungo sa Pilipinas.
Dahil sa kahina-hinalang kilos, nagduda sina Carbonell na may dala itong illegal na bagahe. Nang magsagawa nang inspection sa bagahe ng suspek ang nasabing operatiba, narekober nila ang hinihinalaang shabu na tinatayang nasa 2.984 kilo at .
Kaagad na dinakip ang babaeng dayuhan at sumasailalim ito sa isang interogasyon at pinag-aaralan na ang kasong isasampa rito.
Nasa custody na ng Customs ang suspek at nakatakdang i-turn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).