MANILA, Philippines - Kinondena ng ilang sektor ang patuloy umanong smuggling ng chromite sa lalawigan ng Zambales sa kabila ng pinirmahan at ipinalabas na Executive Order No. 79 noong Hulyo 6, 2012 ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon sa source, patuloy pa rin daw ang illegal activities ng ilang grupo at binabalewala ang EO ni PNoy. Patuloy umano ang operasyon ng smuggling ng chromite tailings na kinukuha mula sa stock ng large-scale miner. Mayroon ding naghihintay na vessel sa mga daungan na handang ipuslit ang mga nasabing kontrabado.
Lumilitaw na idinekara na rin ng Environmental Management Bureau (EMB) na ang mga small-scale mining permits ay mga illegal dahil wala naman uma nong ipinakikitang mga kaukulang papeles tulad ng Environmental Clearance Certificates (ECC) mula sa kanilang tanggapan.
Kinuwestiyon din ang umano’y pagkakaroon ng Ore Transport Permit (OTP) para sa mga naturang tailings samantalang sa ilalim ng batas hindi maaaring mag-isyu ng OTPs ang local government.
Malaking katanungan din umano kung sino ang nagbigay ng permiso sa mga small scale mining na ipatupad ang 1995 Mining Act na paglabag naman sa EO79.Ang mga pulis ay nasa ilalim ng mga governor.
Nagtataka din ang source kung bakit naglabas ng Mineral Ore Export Permit (MOEP) ang naturang lalawigan ng walang compulsory confirmation mula sa MGB Regional Director.
Idinagdag pa ng source na tila isang ordinaryong papel lamang ang EO kung patuloy itong babalewalain ng local government.