^

Bansa

Tsinoy trader utas sa ambush ng Sayyaf

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang ne­­gos­yanteng Filipino Chinese matapos na tam­bangan ng riding in tandem na pi­ nag­hihinalaang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Jolo, Sulu nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Directorate for Integrated Police Ope­rations (DIPO) Western Mindanao Chief P/Di­rector Manuel Barcena ang nasawing biktima na si Cris Yap, residente ng Kasanyangan Villaga sa kapitolyo ng Jolo.

Si Yap ay isang mayamang negosyante sa Jolo na nagmamay-ari ng Chris Enterprise na matatagpuan sa Brgy. Walled City, Jolo ng lalawigan.

Base sa imbestigas­yon, sinabi ni Barcena na naganap ang pananambang sa biktima sa gate ng Christian Village, Brgy. Busbus, Jolo, Sulu dakong alas-7:30.

Bigla na lamang uma­nong sumulpot sa lugar ang mga suspek na riding in tandem at saka pinagbabaril ng sunud-sunod na duguang bumulagta sa insidente.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Integrated Provincial Hospital sa Sulu pero binawian rin ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa tinamong anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol.

Lumilitaw sa imbes­ ti­­gasyon na noong Dis­yembre 2011 ay pinadalhan umano ng grupo ng mga suspek ang biktima ng extortion letter at hinihingan ito ng P2 milyon at kung hindi ay papatayin nila ito.

Naulit umano ang pagbabanta kamakailan na humantong sa nasabing ambush na ikinamatay ng negosyante. Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CHRIS ENTERPRISE

CHRISTIAN VILLAGE

CRIS YAP

FILIPINO CHINESE

INTEGRATED POLICE OPE

JOLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with